Paggising sa umaga
Ang daming nasa isip
Sangkatutak na problema
Ano ba ang uunahin?
May problema sa pag-ibig
Mga LQ ng mag-syota
Ang away nina utol
At tampuhan ng barkada
[CHORUS]
Sadyang ganyan ang buhay
Nagugulo, nalilito
Hindi alam kung pa’no haharapin ang mundo
‘wag mong alalahanin
Kung ‘di alam ang gagawin
Basta’t buo ang puso
Pag-ibig pairalin
Ooooohhohh…ohhh
Mga utang sa tindahan
Pa’no ba mababayaran?
Sana’y makadelihensya
Ng pangdate sa Mall of Asia
May sabit sa eskwela
Mga home work sa’n kokopya?
Patay ang cellphone
‘alang load
Para kang sasabog
[REPEAT CHORUS]
May lindol man o bagyo
Tag-gutom man o tagtuyot
Basta’t magpakatotoo
Tibayan ang sarili
Itindig mo, isulong mo
Ipakita mo…….
[REPEAT CHORUS]
Sadyang ganyan ang buhay
Nagugulo, nalilito
Hindi alam kung pa’no haharapin ang mundo
‘wag mong alalahanin
Kung ‘di alam ang gagawin
Basta’t ikay kapuso
Pag-ibig pairalin