I.
Di ko maisip, ang pintig ng puso ko.
Di ko malaman, kung saan hanggang kailan.
Ako'y umasa sa hatid ng tadhana.
Oh, pag-ibig ko nandito lang ako.
II
Di ko maintindihan,kahit ano paman.
Di ko maririnig, ang tawag ng pag-ibig.
Ako'y nanalangin na sana ikaw na nga.
Oh, pag-ibig ko nandito lang ako.
Chorus:
Kahit ako'y ganito, may puso rin ako.
Huwag mo sanang tingnan, ang panlabas na anyo.
Dahil sa loob nito, ikaw ang mahal ko.
Sinisigaw ng damdamin, lubos kitang mahalin.
III.
Nang tayo'y nagkita, ako'y tulala.
Nais kitang hawakan, ngunit di magawa.
Nang lumingon bumalik ang kahapon.
Oh, pag-ibig ko nandito lang ako.
(back to chorus)
Coda:
Sa paglipas ng taon,
Pinagtapo tayo ng panahon,
Tayo'y magkasama,
Sa tawag ng tadhana.