I.
Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, 'wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka't humundusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Refrain:
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay 'di s'yang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Chorus:
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
'Di matatapos itong gulo
II.
At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok