PinoyLyrics.net

Your online Filipino lyrics resource

Dinamayan Mo Ako

Cocojam

Dinamayan mo ako,
sa aking pag-iisa.
Nakinig ka ng awit ko,
nang walang pagkasawa.

Kung ang gabi ay lumalamig,
taglay ko ang yakap mo.
Ang init ng iyong pagmamahal,
ay walang kasing-alab.

At dahil sa iyo,
napukaw ang damdamin ko.
Natuto akong mangarap
sa gitna ng kadiliman

Hinarap ko ang kahirapan,
minahal ko ang buhay.
Ang langit ay abot kamay lamang,
kung akoy nasa piling mo.

Sa pagkalat ng dilim,
ikaw ang liwanag ko.
Para ka ring dasal,
na lagi kong inuusal.

Ang tinig mong malambing,
sa diwa ko'y nakatanim.
At kahit saan ka man naroroon,
naririnig ko sa hangin.

At dinamayan mo ako,
sa aking pag-iisa.
Nakinig ka ng awit ko,
ng walang pagkasawa.

At ang tinig mong malambing,
sa diwa ko'y nakatanim.
At kahit saan ka man naroroon,
maririnig ko sa hangin.
Kahit saan ka man naroroon,
maririnig ko sa hangin.
Kahit saan ka man naroroon,
maririnig ko sa hangin.

Submitted By: Don Crong