PinoyLyrics.net

Your online Filipino lyrics resource

Lakambini

Cocojam

CHORUS:
ikaw lang, ang laging iniisip
maging sa panaginip
ang aking lakambini
ikaw lang, ang laging alaala
pagsilang ng umaga
ang aking lakambini

kahit ako'y itapon o itago sa buwan
o ikulong sa isang mansyon sa ilalim ng bulkan
wala silang magawa kahit pa ang sawa
kung bola man ito sana'y magunaw na'ng mundo

[Repeat CHORUS]

nakawin man ang araw o tuhugin ng bangkaw
sunugin man ang kanin o lutuin ng hilaw
wala akong pakialam, wala akong alam
kahit habulin pa 'ko ng isang mangkukulam

[Repeat CHORUS]

habulin man ng aso o takutin ng itak
o ilipad sa hangin o lunurin sa alak
pangalan mo't larawan ay laging nakatatak
parang tato ng isang bilanggo na may buto't bungo

[Repeat CHORUS]

ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang
ang aking lakambini (ikaw lang) [REPEAT UNTIL FADE]

Submitted By: Don Crong