PinoyLyrics.net

Your online Filipino lyrics resource

Handa Na Ako

Eurika Villagracia

HANDA Na Ako


Bata pa tayo
Lagi kang nagbibiro
Kapag dalaga na

ako'y liligawan mo
At ang sagot ko
Isang tapik sa braso mo
Tumakbo ako at hinabol mo

Ngayong malaki na tayo
ikaw ay nagbago
Mahiyain ka at hindi kumikibo
Mga nakaw na sulyap mo
Halatang may tinatago
At ito'y nagpapatibok ng aking puso

Handa na ako
Handang sabihin sayo
ako'y maghihintay
at hindi magbabago
Handa na ako
Handang makinig sayo
Kung sasabihin mo
Handa na ang puso mo

Sanay ganun din
Ang iyong damdamin
Tibok ng puso mo'y para sa akin
Maghihintay ako
Hanggang sa masabi mo
Kung magaganap anong ligaya ko

Ngayong malaki na tayo
Ikaw ay nagbago
Mahiyain ka at hindi palakibo
Mga nakaw na sulyap mo
Halatang may tinatago
At ito'y nagpapatibok ng aking puso

Handa na ako
Handang sabihin sayo
Ako'y maghihintay at hindi magbabago
Handa na ako
Handang makinig sayo
Kung sasabihin mo
Handa na ang puso mo

Handa na ako
Handang sabihin sayo
Ako'y maghihintay
at hindi magbabago
Handa na ako
Handang makinig sayo
Kung sasabihin mo
Handa na ang puso mo ooohhh...

Submitted By: maryianha