Dm-A#-Gm-A
Kapag nag-iisa’t kasama ang gitara
Basta’t dumarating ang kanta
Awiting maaari kung may kasama
Tambol mo ay butas na lata
Sabayan ng sipol ang bawat pasada
Huminga ka ng malalim at sabay ang buga
Kapag buo na’t handa na ang lahat
Sabay-sabay ang pasok sa bagsak ng paa
A-A-A-A
Heto na... heto na... heto na... waaaaaaaaaaaahh
Dm-A#-Gm-A
Mahirap gumawa ng kantang makata
Ang lalim ng tugtugin at pananalita
At kapuna-puna na parang dambuhala
Mga boses na nagpapababa
At meron din namang nagpapaboses bata
Matataas ang tono hininga'y mahaba
Binubulong sa hangin ang bawat salita
Kapag naririnig mo'y nakakatuwa
A-A-A-A
Heto na... heto na... heto na... waaaaaaaaaaaahh
Dm-A#-Gm-A
Hindi naman kailangan boses mo’y maganda
Basta’t may konting tono madaling makanta
Kung medyo sintunado ay hayaan mo na
Ang nais lang ng tao ay ang konting saya
Ihanda ang tropa at tambol na lata
Kaskasin mo ng mabuti ang dalang gitara
Kapag buo na’t handa na ang lahat
Huminga ka ng malalim at narito na
A-A-A-A-A
Heto na... heto na... heto na... heto naaaah... waaaaaaaaaaaahh