Akala ko hindi na babalik
Ang lungkot at ang pananabik
Akala ko tuluyan nang nilimot ng puso
Ang ala-ala mo
Akala ko sabay ng panahon
Lilipas ang hapdi ng kahapon
Akala ko mabuti pa sa piling ng iba
Mahirap tanggaping ako'y nagkamali pala
Hanggang ngayon ikaw pa rin
Ang hinahanap-hanap ng aking puso at damdamin
Hanggang ngayon walang iba
Dito sa puso ko ika'y nag-iisa sinta
Akala ko dala ng 'yong ngiti
Ang pag-asa na makita kang muli
Akala ko natuto na ako na limutin ka
Ngunit hindi pala
Hindi ko ata kaya kung wala sa piling mo
Kailangan ko'y ikaw dito sa buhay ko