Andyan Kayo Sa Panahong Gusto Ko Ng Lisanin
Ang Mundong To Dahil Sa Bigat Ng Aking Pasanin
Mga Problema Ko Na Kayong NaKakaramdam
Mga Pangarap Ko Na Kayong NaKakaalam
Kayo Ang Aking Gabay Kaya Hindi Bumigay
Mga Sama Ng Loob Na Dinadaan Sa Tagay
Kayo Ang NagPalakas Ng Loob Upang Kumasa
Hindi Nyo Ko Pinabayaan Na Akoy Mag-Isa
Sa Hirap Man O Sarap O Meron Man O Salat
Nag Aambagan Lahat Walang Wallet Sa Balat
At Kung Anong Nakalapag Ay Pinagtiya-tiyagaan
Problema Man Na Kay Bigat Inyong Pinapagaan
(Repeat 2x)
Di Ko Malilimutan
Kaibigan na Pinag samahan
Mga Bagay Na Nangyari Lungkot Man O Ngiti
Mga Ginto Kong Sandali
Di Ko Malilimutan
Kaibigan na Pinag samahan
Mga Bagay Na Nangyari Lungkot Man O Ngiti
Mga Ginto Kong Sandali
Hindi Ko na Mabilang Kulang Ilang Beses Lumapit
At Sa Bihin Ang Problema Na Aking Sinapit
Lagi Kayong Nasaking Tabi At Handang Tumulong
Mula Sa Aking Pagsikat Hangang Sa 'king Pag Gulong
Mga Tawanan Na Bumabakas Sa Bawat Ngiti
Na Pumapawi Sa Lahat Dinanas Kong Hikbi
Sumasaya Ang Sanadali Kapag Nag Bibiruan
At Kung Sino Ang MagKakaso Ay Walang Turuan
Pakikitungo Ng Bawat Isa Lagi Ay Pantay
San Man Lugar Magkakasama At Magkaka-akbay
Sana Walang Bumigay Sa Ating Pag Lalakbay
Mapapasakamay Din Natin Ang Mga Tagumpay
(Repeat 2x)
Di Ko Malilimutan
Kaibigan na Pinag samahan
Mga Bagay Na Nangyari Lungkot Man O Ngiti
Mga Ginto Kong Sandali
Ito Ay Simpleng Kanta Na Aking Na Isulat
Upang Iparating Ko Ang Aking Pasasalamat
Sampu Ng Ating Samahan At Mga Kabilang
At Ilang Kaibigan Ko Na Naging Magulang
Kayo Ang NagMulat Ng Aking Mata Upang Makita
Na Masaya Parin Tayo Kahit Walang Kinita
Sa Kagustuhang Umunlad Sabay-Sabay Nangarap
Na Balang Araw Makamit At Atin Tong Mahanap
Na Kahit Na Ang Isa Satin Ay Makatalisod
Para Tumatag Ang Samahan At Mataguyod
Dahil Pagsikat Ng Isa Ay Pag Angat Ng Lahat
Kasi Yaan Ang Dahilan Kung Ba't Tayo Nag Susulat
Wala Na Tayong Iwanan Pre Hanggang Sa Hule
Sabay Sabay Natin Tapusin Ang Mga Nangapi
Akoy Inyong Kakampi Kayo Naman Aking Sandalan
Ang Pagsasamahan Natin Tunay Ay Pang Matagalan
(Repeat 3x)
Di Ko Malilimutan
Kaibigan na Pinag samahan
Mga Bagay Na Nangyari Lungkot Man O Ngiti
Mga Ginto Kong Sandali