Kung ang iyong akala, tuluyan ng pumanaw,
Ang pinakadakila sa lahat ng magnanakaw
Ikaw ay nagkakamali, malinaw na malinaw
Buhay na buhay muli, dumami pa mga halimaw..
*mag-na-na-kaw…
magnanakaw sa opisina, may ninakaw nanaman kanina
mandarambong sa gobyerno, pakitong kitong kahit paano
[pakitong-kitong pakitong-kitong 4x]
kahit saan dadapo, daig pa mga langaw
maninipsip ng dugo, pagka’t sila’y uhaw na uhaw
lahat ng ‘yong pagkain, kanilang inaagaw
masibang lalamunin, pagka’t sila’y napakatakaw…
repeat *
tikbalang ang pangalan, baling ang palayaw
nasa kapangyarihan, yun parin ang sinasayaw
sila’y nagpapaligsahan, at hindi magkamayaw
propesyunal na gahaman, sa pera-pera nasisilaw…
repeat*
ito nga ba ang bayan ng mga magnanakaw
kung gusto mo yumaman, magnakaw araw araw
repeat *
mandurukot na walang takot
maya’t maya nangungurakot
mandurugas na walang kupas
kaban ng bayan nililimas
sobra sobra nasa sobre
kaya ang daming mga pobre
‘wag na magnakaw magnanakaw
marami-rami ka ng ninakaw