Minamahal ko siyang tunay
Kahit ano pang sabihin nila
Walang humpay ang pag-alay ko sa kanya
Pagkat siya lamang
Ang nagbibigay kulay sa buhay kong ito
Walang iba kundi siya
Naririnig kaya niya ako ngayon
Chorus:
Minamahal ko siya
Ngunit walang magawa
Pagkat puso ko at puso niya’y magdurusa
Minamahal ko siya
Kay hirap namang umasa
Sana’y malaman niya na minamahal ko siyang tunay
Bakit kaya ganun
Kung sinong iyong mahal
Siyang hindi mo kapiling ngayon
Anong dapat gawin
Ako’y hirap na puso’y pagod
Pagkat nasasaktan lagi
Nabibigo parati
Nadarama kaya niya ito