Home
|
Submit a Lyric
|
Request a Lyric
By Artist
By Song Title
Ulap Sa Magdamag Lyrics
Raul D. Arellano
"Ulap sa Magdamag"
Words and music by Raul D. Arellano
Ako ay ulap sa magdamag
Ayaw bumaba ngunit dahan-dahang bumabagsak.
Sa ihip ng iyong hangin ako ay nababalisa.
Lumuluha habang bumabagsak.
O hangin ibalik mo ako sa yakap mong malambot.
O araw halikan mo ako ng mainit mong apoy.
Sariwain natin muli ang ulap sa magdamag.
Sa batis na tahimik ako ay niyayakap.
Sa gubat ng buhay ako ay iniinom.
Sa ilog na masungit ako ay lumalabnaw.
O hangin ibalik mo ako sa yakap mong malambot.
O araw halikan mo ako ng mainit mong apoy.
Sariwain natin muli ang ulap sa magdamag.
Tumatago sa kuweba ng pusong tapat,
Kumukulog kapag nalilinlang.
Umaagos sa ilog ng bigong pag-ibig,
Dahan-dahang umaalat patungong dagat
O hangin, ibalik mo ako sa yakap mong malambot.
O araw, halikan mo ako ng mainit mong apoy.
Sariwain natin muli ang ulap sa magdamag.
Ako ay ulap sa magdamag.
Submitted by:
Jan
Loading...
COMMENTS
POST A COMMENT
*
Name:
Name is required.
*
E-mail:
Email is required.
Invalid format.
Your email will be kept private and will not be shown publicly.
You will also be notified if there's any reply from your comment.
*
Comment:
Comment is required.
*
Verification:
Type the code shown below:
Verification Code is required.
Other Song Lyrics of Raul D. Arellano:
Ulap Sa Magdamag lyrics
www.pinoylyrics.net