Ang buhay ko ay isang ilog,
Umaagos tungo sa laot,
Sa pagdaloy ay lumiliko-liko,
Ngunit dagat pa rin ang inaabot.
Ang buhay ko ay isang ilog,
Umaagos tungo sa laot,
Sa pagdaloy tayo'y nagkatagpo,
At gayon tayo'y magka-isang tunay.
Lilikha tayo ng bagong daan,
Uukitin sa bato ang kasaysayan,
At walang hadlang na di malalagusan,
Habang tayo ay magka-isang tunay.
Lilikha tayo ng bagong daan,
Uukitin sa bato ang kasaysayan,
At walang hadlang na di malalagusan,
Habang tayo ay magka-isang tunay,
Habang tayo ay magka-isang tunay.