Isang Bandila Lyrics Rivermaya
Huwag kang mabahala sa kahol ng mga aso,
Ligtas ang pag-asang nakasakay sa ating mga palad at balikat,
Huwag mong patulan, huwag mong sakyan ang mga talangka,
Panis ang angas sa respeto't pagpapakumbaba.
Walang matayog na pangarap,
Sa bayang may sipag at tiyaga.
Isang ugat, isang dugo,
Isang pangalan, Pilipino,
Isang tadhanang lalakbayin,
Isang panata, isang bandila.
Pekeng bayani, pekeng paninindigan,
Subukan naman natin pagtulung-tulungan,
Paglayang ating minimithi.
Hindi alamat hindi konsepto,
Ang bayanihang minana ko.
Isang ugat, isang dugo,
Isang pangalan, Pilipino,
Isang landas na tatahakin,
Isang panata, isang bandila.
Isang ugat, isang dugo,
Pare-parehong Pilipino,
Mga tadhanang magkapatid,
Isang panata, isang bandila.
Isang bandila x4
|
Loading...
|
|
|