Promise Ko Sayo Lyrics Salbakuta
Hoooh……
Yeah, yeah, yeah
Haaa…
Love naman kita
Bakit ‘di ko mapakita
Love naman kita
Bakit ‘di ko magawa
Na sa’yo iparamdam ika’y mahalaga
Na-realize kong lahat ngayong wala ka na
Sorry baby girl kung hindi ako showie
Sorry baby girl kung ‘di ka binibeybi
Parang wala lang sa akin ang lahat
Sa tuwing ika’y may pinagtatapat
Dahil ‘di ko napansin ang lahat nang yan
Kasi nga, alam kong andyan ka lang
Gusto kong sisihin ang aking sarili
Pero sa huli ang talagang pagsisisi
Nalalaman ko naman kung bakit mo nilisan
May mga dahilan na wala silang alam
Sana’y mabalik natin ang pagmamahalan
At promise, ikaw lang
Ang promise ko sa’yo, baby
Forever na ito, baby
Pag-ibig ko ito laan sa iyo at ito’y tunay
Kahit ano pa ang sabihin nila
Basta, ikaw ang tanging mahal ko
At sa’yo promise, hinding-hindi nagbabago
Relasyon nating ito parang sa lusong ng sadlak
Ang hindi kita mahal ‘wag sanang tumatak
Pagkabigo, pighati, lahat na sa ‘kin dumaan
Kamang may tinik ng rosas pilit kong hinigaan
Nasa likod pa rin, bitbit pa rin pait at sakit
Lahat ng bagay tinanggap, pinilit kong pumikit
Pagdilat ng mata ikaw ngayon ang kasa-kasama
Tamang trato’t atensyon, hindi ko maipakita
Sa ating paglalakbay, gusto mo hawak kamay
Pipigilan ka’t kamay ko sa bulsa ilalagay
Tinanong mo kung bakit ako ay ganito
Sinagot ka ‘di ko alam na sinlamig ng yelo
Pipilitin kong baguhin lahat ay aayusin
Takot na rin akong mawala ka pa sa akin
Sa aking pagtanda, ikaw’t ako ang katuwang
At promise, ikaw lang
[Repeat Chorus]
Ika’y napaka-cute, napaka-sweet, napaka-romantic
Ang pagmamahal mo, walastik at fantastic
Kung maglambing ka ang sarap talaga
Wala na kong hahanapin pa
Iba ka talaga kung magkalinga, hindi ka magkanda-ugaga
Kahit na hirap ka sa trabaho mo, lahat pa din ay ginagawa mo
Para sa ’min ng mahal mo, ganon katindi ang pagmamahal mo
Kaso ang lahat-lahat nang yon ay biglang nagbago
Hindi ko naman namalayan na ika’y biglang naglaho
Ako rin naman kasi ang may kasalanan
Ang pag-ibig mo ay aking pinabayaan
Hindi ko binigya ng halaga, ang pag-aaruga’y binalewala
Ako ay laging tulala dahil sa’yo ngayon nagugulila
Maraming panahon na ang nagdaan na aking sinayang
Kaya ngayon, si Mad Killah ngayon ay naghihinayang
Patawarin mo ko girl, kung ang pag-ibig mo ay nasayang
Yeah, promise, ikaw lang
[Repeat Chorus Until Fade]
| Submitted by: | mr.cutielil.1 |
|
Loading...
|
|
|