Natupad din ang aking pangarap,
Na ipagtapat sa iyo
Ibubulong ko na lamang sa alapaap
Ang sigaw ng damdamin ko
Sulyapan lang sana ang langit
Baka sakaling marinig ng puso mo ang tinig ko
Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man sa iyo lang nakalaan
Ang pag-ibig ko, bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang 'di na tayo muling magkikita
Kaya ngayon aaminin na sa iyo na mahal na mahal kita
Maalala mo sana...
Naitago ko pa ang lahat ng iyong mga liham
Unang ngiti mga yakap mo'y 'di maalis sa aking isipan
Tutugtog ako ng gitara baka sakaling
Sumagi sa isip mo ang mga pangako
Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man sa iyo lang nakalaan
Ang pag-ibig ko, bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang 'di na tayo muling magkikita
Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man sa iyo lang nakalaan
Ang pag-ibig ko, bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang 'di na tayo muling magkikita
Kaya ngayon aaminin na sa iyo na mahal na mahal kita
Mahal na mahal kita
Maalala mo sana...