Kung saan saan na napadpad
Naglakad, lumangoy at lumipad
Tuwing akala ko, pag-ibig ay tunay na
Hindi pala, hindi pala
Nung hindi na nakatingin, at saka ka dumating
Nandyan ka lamang pala
Di ka lang nagsasalita
Ikaw pala, aking hinahanap
Bahaghari sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit
Sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa ba nariyan?
Ikaw pala, ang aking hinahanap-hanap
(Ikaw pala) awit na di matanggal sa ‘king isipan
Di na mahalaga, kung saan ako dalhin ng hangin
Basta’t nandito ka sa ‘king piling