I
Sandaang taong kasaysayan ang lumipas
Kalayaang pinaglaban, bukang bibig mong binibigkas
Kasarinla’y nakamtan dahil sa dugong ibinuwis
Kasama ng mga luha’t taghoy, pagod at hinagpis
II
Nahan kana sa iyong kinalalagyan…
Sa gitna ng makabuluhan’t makulay mong kasaysayan
Ipadama’t ipagbunyi at panatilihing lagging gising
Sa makabayang mithiin ng puso’t diwa’t damdamin…
Chorus:
Malaya ka na Pilipino kagitingan mo’y isisigaw
Sa buong mundo. Sa buiong mundo
Kasarinlan at kalayaan, { Hinding hindi pababayaan / Patuloy kong ipaglalaban }
Taglay ang bagong anyo ng pag-asa
Pilipino aking { Kapatid / Kaibigan / Kababayan }
Mabuhay ka
III
Tangan mo ngayon samu’t saring pakikipaglaban
Upang kapayapaan ay makamtan at magapi ang kahirapan
Sa sulungan di papipigil, hindi iiwas
Sa hamon ng kaunlaran lalo kang lumalakas…
(Repeat Chorus)
Bridge:
Mula noon hanggang ngayon, sa Mindanao, Visayas, at Luzon
Kabayanihan mo’y narating.. Pagkat inang bayan iniibig, iniibig…
(Repeat Chorus)